Powered By Blogger

Miyerkules, Hulyo 24, 2013

Pangarap

Ngayong ako'y hihimlay, papangarapin kita. Iisiping hindi imposibleng maging akin ka. Dun sa pangarap ay tayo ang para sa isa't isa.

At kahit muling magising pa, sa mundong wala ka. Sapat na ang lahat para ako'y sumaya. Sapagkat kahit sandali, sa kasuluk-sulukan ng aking diwa, ika'y inibig at nakaniig. Habambuhay dadalhin, matatamis na ala-ala nung ika'y nasa aking piling.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento