Powered By Blogger

Sabado, Agosto 24, 2013

Sige na

Siguro nga ay mali
Na ako'y mawili
Dapat nga siguro'y nakita na dati
Na hindi ako ganun ka-lucky.

Pero hindi dapat, walang dapat sisihin
Dahil sa totoo lang, kung tutuusin
Ako mismo, ang aking sarili
Ang responsable't nagdala sa alanganin.

Kaya't ngayong gabi'y ibigay niyo na sa akin
Balikan ang lahat ng mga desisyong ginawa dati
Napakaraming palpak at mga pagkakamali
Hayaan niyo munang ako'y maglunod sa luha't magpakasenti.

Kaya samahan niyo na lang ako
Na maniwalang sa lalo't madaling panahon ay wala na ito
Sakit, kirot, at puot na dala-dala sa akinh puso
Upang ang lahat ng ito'y hindi ako magupo.

Sandali lang po, sige na please
Dahil pagtapos po nito, ako sa inyo'y babawi.

Linggo, Agosto 11, 2013

Iyong ala-ala sa aking kama

Heto na naman akong tulala, habang nakahiga sa kama,
Hindi na naman makatulog at iniisip ka.
Binabalikan ang mga oras na kapiling at kayakap ka,
Sinasariwa ang ilang hiram na oras ng saya.

Naghihintay ng mensaheng alam namang di na darating pa,
Sapagka't ikaw ngayo'y nahihimlay sa yakap ng iba.
Iniisip, hinihiling na sana ako na lang,
Ngayong gabi'y malamig, sana'y kayakap ka.

Ngunit ganun nga yata talaga,
Sa sitwasyon nati'y di talaga ako lubusang magiging maligaya.
Kaya eto ngayon ako, ipinagdarasal ka,
Na kung nasaa't sino man ang kasama ay tunay na maging masaya ka.

Ako ngayo'y napapaisip at magdududa,
Ako nga ba'y tunay na magiging maligaya pa?
Pano nga ba mahahanap ang saya,
Kung kaligayahan ko'y ikaw at wala nang iba.

Tayo ay parehong biniro ng tadhana,
Ngayo'y nagsisisi sa mga desisyon at bagay na ginawa.
Mga bagay na kahit anung gawin pa,
Hindi na maibabalik at maitatama pa.

Kaya eto na naman akong, tulala't nakatihaya,
Sa aking kamang malamig at walang kasama.
Iniiisip ng maigi kung paano nga ba,
Hahanapi't masusunpungan tunay na ligaya?

Magpapatuloy bang sa mga hiram at lihim na sandali ay magkakasya?
Hanggang kailan kaya itong puso'y patuloy na mapasasakitan pa?

Kaya ngayon, dito sa aking kama,
Aakapin ko ang unan at iisiping kapiling ka.
Kaniig sa gabing malamig, tunay na nakakapgpasaya,
Kahit alam kong ito'y hindi na ata magiging totoo pa.

Binabalikan na lamang ang saya na kasama ng iyong ala-ala.