Powered By Blogger

Linggo, Agosto 11, 2013

Iyong ala-ala sa aking kama

Heto na naman akong tulala, habang nakahiga sa kama,
Hindi na naman makatulog at iniisip ka.
Binabalikan ang mga oras na kapiling at kayakap ka,
Sinasariwa ang ilang hiram na oras ng saya.

Naghihintay ng mensaheng alam namang di na darating pa,
Sapagka't ikaw ngayo'y nahihimlay sa yakap ng iba.
Iniisip, hinihiling na sana ako na lang,
Ngayong gabi'y malamig, sana'y kayakap ka.

Ngunit ganun nga yata talaga,
Sa sitwasyon nati'y di talaga ako lubusang magiging maligaya.
Kaya eto ngayon ako, ipinagdarasal ka,
Na kung nasaa't sino man ang kasama ay tunay na maging masaya ka.

Ako ngayo'y napapaisip at magdududa,
Ako nga ba'y tunay na magiging maligaya pa?
Pano nga ba mahahanap ang saya,
Kung kaligayahan ko'y ikaw at wala nang iba.

Tayo ay parehong biniro ng tadhana,
Ngayo'y nagsisisi sa mga desisyon at bagay na ginawa.
Mga bagay na kahit anung gawin pa,
Hindi na maibabalik at maitatama pa.

Kaya eto na naman akong, tulala't nakatihaya,
Sa aking kamang malamig at walang kasama.
Iniiisip ng maigi kung paano nga ba,
Hahanapi't masusunpungan tunay na ligaya?

Magpapatuloy bang sa mga hiram at lihim na sandali ay magkakasya?
Hanggang kailan kaya itong puso'y patuloy na mapasasakitan pa?

Kaya ngayon, dito sa aking kama,
Aakapin ko ang unan at iisiping kapiling ka.
Kaniig sa gabing malamig, tunay na nakakapgpasaya,
Kahit alam kong ito'y hindi na ata magiging totoo pa.

Binabalikan na lamang ang saya na kasama ng iyong ala-ala.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento