Powered By Blogger

Martes, Setyembre 3, 2013

Epekto ng eskandalo


Kaninang umaga, shocked pa ako e. Ang unang naisip ko, "Bakit naman kasi hindi nag-iingat e!" at "Ayan kasi, pamilyadong tao, gumaganun pa!" 

Pero habang umuusad ang araw naisip ko ang mas malalaking issue. Anung mangyayari sa pamilyadong taong sumusuporta sa kanyang pamilya? Ano na ang mangyayari sa pamilya nila? Paano na kaya yung mga batang sasalo sa sakit ng galit at puot sa pagitan ng ina't ama nila? 

Paano na kaya yung pobreng babae? Ano na ang kinabukasan niya at ng pamilyang pinapakain niya? Hindi na ba siya maaaring maging katanggap-tanggap dahil sa iisang (kahit mabigat pang) pagkakamali niya?

Sa bandang huli, hindi naman kasi ito tungkol sa mga magkakamali. Tungkol ito sa kahihinatnan ng lahat. Madaling manghusga. Pero di ba lahat tayo pag nagkamali ang unang linya e "hindi na ba ako mapapatawad sa pagkakamali ko?" at "Wala na bang tyansang maitama ko ang mga pagkakamali ko?"

Di ba't malaking kaipokritohan kung itatakwil natin ang mga tao dahil sa mga pagkakamaling maaaring minsan ay nagawa rin natin? (o kahit ibang maaaring kasing bigat na pagkakamali pa)

Sa mga nanghuhusga, sana maisip natin na ang kapatawaran at pag-intindi na maibibigay natin ay yung kapatawaran at pag intindi ring ibibigay sa atin.

Pinipili kong mas umintindi. Ang maawa. Ang maging taong tumatanggap ng pagkakamali. At taong papatawarin kung sakaling magkamali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento