Powered By Blogger

Miyerkules, Pebrero 17, 2016

Of Hypocrites, False Prophets, and Apologists.

Friends, please indulge me, but I really had to write something about this.

Of course, we all know how the "People's Champ" (ironic, isn't it?) has single-handedly gave his Senatorial bid a major blow that I wish he could really recover from. Mas nakaka-knock-out pa ito sa lakas ng sapak ng naka-drugs na Juan Manuel Marquez. Yung "masahol pa sa hayop" comment niya about LGBT.



"Bakla ka ba? Bakit ka affected na affected?"

Someone actually asked me, bakla ba ako? Bakit ang passionate ko sa LGBT issues? Why am I so riled with Manny?

The answer is no. I am not gay. In fact, I am completely straight. But I am not numb either. I have a heart for people regardless of what their sexual orientation is. I love my friends who are from the LGBT community. Bilang Katoliko, naniniwala akong hindi maaaring ipilit ang Same Sex Marriage sa simbahan, pero sa pamahalaan, para magkabatas na magsasaligal ng kanilang pagsasama, why not? If the country is indeed matured to accept such things, eh di go. Di ba? Simple.

Hindi mo naman kasi kailangang maging bakla, tomboy, bisexual, o transgender para maintindiihan na sila din ay nagmamahal. Naglalayong magkaroon ng kasama sa habambuhay. Humahanap ng magiging katuwang sa pagtanda. Kahit sabihin pang "hindi dapat" ang pakikipagtalik sa kapwa lalake o babae, hindi naman umiikot ang pagsasama, ang commitment, ang kasal sa sex. Hindi ito ganung kababaw. Ang katunayan, napakaliit na pursyento nga lang ng pagsasama ito dahil andyan ang pera, ugali, pamilya, at marami pang bagay ang involved sa pagmamahal.

While I welcome opposition to same-sex unions, I won't and will never tolerate bigotry. Especially, from popular people who aspires public office. Also, me really being riled up against Pacquiao is not just about his same-sex comments alone. It is more than that.


"Bakit nga ba ako burat na burat kay Pacquiao?"

While his latest comments really got me all-fired up, it is not that alone. Kahit nung pagpasok niya nga sa PBA, okay lang eh. Okay lang sa akin na 11th overall pick siya sa 2014 PBA Draft kahit napakadaming ibang players na mas deserving sa kanya sa posisyon na iyan. Okay lang din kahit na mabibilang mo sa daliri ang mga larong ni-coach at pinaglaruan niya. Kahit pa mas maganda pa ang averages ng mga bangko at banban na PBA players sa kanya. May nag-pick naman sa kanya eh. Tapos, yung Mahindra (sayang Mahindra Enforcers na sila ngayon. Mas bagay talaga kasi sa prangkisa yung "Kia Carnival" eh, kasi mukhang karnabal naman talaga yung prankisang yan) naman ang mukhang tanga sa pagpick sa kanya bilang playing coach di ba? Pera ba natin yung ginagastos nila? So okay lang yun. Okay lang kahit na may iba pa ngang mas deserving na hindi nabigyan ng pagkakataon kasi, naareglo na lahat.

Okay na yung naka-ilang albums siya na isinulat ni Lito Camo eh. Kahit mag-Diamond record pa yung mga yun, matatanggap ko eh. Kinakanta ko din naman yung "Para sa 'yo, ang laban na 'to", "Laban ng bawat Pilipino" at tuwang-tuwa ako dun sa pagkanta niya ng "Sometimes When We Touch" sa International TV. Aba, #PinoyPride pa din yun.


Pero lahat ng mga ginagawa niya sa labas ng boksing eh karima-rimarim.


Political Butterfly/Trapo from the beginning

It is about him flip-flopping to the most influential political party in a given time (KAMPI in 2007, Nationalista Party in 2010, Liberal Party after winning the election, and now, under UNA). Di siya political butterfly eh. Mas bagay ang Political Fly. Tama, Fly as in Langaw. Kasi ang dinadapuan niyang partido at ang nililipatan niya ay puro taeng partido. Partido ng mga trapo na nagkukuntyabahan lahat para nakawan tayo. Nagki-cringe pa din ako pag naaalala ko kung paano niya ipagtanggol sila ex-PGMA, Si Manny Villar, Si Noynoy Aquino, at ngayon, si Binay. O di ba, karimarimarim?

It is about him attending only 4 of the many total sessions the 16th Congress had. Pucha, ang dami-daming sessions nun tapos buo sweldo niya? E ilan na ba ang naipasa niyang batas? Sabagay, si Chiongbian naman yung tinalo niya. Isa pa atang kurap yun. Pero kahit na. Sana man lang, inaral niya muna ang pagiging mambabatas. Pero pucha, English at voice lang talaga ang napagyaman niya. Di mo naman kailangan ng talino para maging mambabatas eh. Ang kailangan po at kaalaman at tunay na puso sa mamamayang pinaglilingkuran mo. Pero si Manny Pacquiao lang yata ang pulitikong unang takbo pa lang, trapo na.

O tapos ngayon, tumatakbo siyang Senador? Dyusme, eh wala din naman siyang alam doon. Sana man lang yung staff niya madaming nagagawa para at least, may accomplishments siya. E kaso, nganga. Tapos gusto niya maging Senador pa?


Banal na Aso, Santong Kabayo. Ipokritong Totoo

And then this "masahol pa sa aso" issue popped out. In the very same verse he used to slam the LGBT community, 1 Cortinthians 6:9, it said "Or do you not know that wrongdoers will not inherit the kingdom of God? Do not be deceived: Neither the sexually immoral nor idolaters nor adulterers nor men who have sex with men" malinaw na malinaw ang sinabi. Hindi lang ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ang "hindi magmamana ng kaharian ng Diyos". Hindi lang sila. Kasama dun yung mga "sexually immoral and 'aduterers'. Teka, ilang beses nga bang nahuli itong si Manny na nambababae? Saka kung literal ang pagtanggap natin sa bersong ito sa Bibliya, eh di yung mga babaeng nakikipagtalik sa kapwa babae e okay lang? So yung mga bakla lang talaga ang problema? E bakit idinadamay mo yung mga lesbians? Sabi mo kasi yung mga lalaki sa lalaki at babae sa babae e masahol pa sa hayop; e lalaki sa lalaki lang naman ang binanggit ah?

The "wise man" also claimed that there is no homosexual activity in animals. Pero madami nang nabanggit na sources that it does exist. So, si Manny ang tama pero yung syensya hindi?

Tapos, tutal moralidad lang naman ang usapan, yung nanay ni Manny, di ba hindi naman hiwalay yun? Eh bakit may boyfriend na bata? Di ba adultery din yun? Sabagay, dun nga pala nagmana ng ka-ipokritohan si Manny. Remember the bakla-pills statement ni Mommy D?


Separation of the Church and the State

O, hindi ito yung issue ng INC ah? Ang tunay na ibig sabihin nito ay hindi dapat nakikielam ang simbahan sa mga bagay tungkol sa pamahalaan. Sabi nga sa Mark 12:17 that "Then Jesus said to them, 'Give back to Caesar what is Caesar's and to God what is God's.' And they were amazed at him."? The laws of the land, and the state itself should never be controlled or influenced by a particular faith. 

Sabi nga sa 1987 Constitution, the highest law of the land, "Article 2, Section 6; The separation of Church and State shall be inviolable." Moreover, "Aritcle 3, Section 5, "No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights."

Malinaw naman. Hiwalay ang estado at relehiyon. Bilang public servant, dapat ihiwalay ng mga pinuno natin ang personal at pangrelehiyon na opinyon nila sa paggawa ng batas at pagtupad ng tungkulin. Tama na ang mga bulaang propeta sa Senado. Andun na nga si Tito Sotto di ba? Masyado naman sila dadami doon.



Tama na ang ka-ipokritohan. Dapat magmahalan.

Yun ang simpleng bagay na dapat maintindihan ng mga apologists ni Pacman. At ng mga ipokritong kung maka-invoke ng Bible verses eh di naman maisabuhay ang natatanging aral na iniwan sa atin ni Hesukristo: Ang mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal natin sa sarili, lalo't higit sa Diyos. HIndi kasi natin dapat hinuhusgahan ang kapwa natin. Dapat tinatanggap natin sila. Di man tayo pare-pareho ng paniniwala, pare-pareho naman tayong haharap sa iisang Diyos.



Manny is our country's gem. A National Treasure. That is why it pains me so much to see him destroy and take away every reason to revere him. To look up to him. Sana malinawan na itong mamang ito.